Matatandaang higit na mas nakilala si Gani sa kanyang programang Aksyon Oro Mismo sa DZBB ng GMA-7 dahil sa oro mismong aksiyon nito sa mga problemang inilalapit sa kanya ng mga kababayan na kinakalampag nito ang mga tiwaling opisyal at ang mga mapang-abusong employer, negosyante, at mga masasamang tao.
Kuwento ng batikang news anchor, taong 1987 nang nalaman niyang may pang-amoy siya sa mga balita, matapos mag-cover ng police beat bilang radyo patrol reporter. Iba ang kanyang passion pagdating sa trabaho bilang media practitioner. “As long as I have the voice, there’s a microphone in front of me and a number of people who are there to listen then I’ll go on with my work as (radio) announcer and continue doing public service because I enjoy what I do,” aniya.
Wika pa ni Gani, “In a newscast program, the foremost duty is to tell the truth and it ends there right after the show but in public service (format), you must have the heart to help because your obligation doesn’t stop when the show ends. We need to do some follow-up or we try to find the right contact person in some cases.”
Ang Aksyon Oro Mismo ay pinarangalan bilang Best Public Service Radio Program ng Catholic Mass Media Awards. “We always innovate and try our best to keep a balance of everything-from public service to news and entertainment. We do public service in a most diplomatic way, ‘di ako basta bumabanat, inaalam ko muna lahat hanggang legalidad kung kailangan. Of course, there are cases that we can’t find solution due to some legalities,” pahayag pa niya.
Si Gani ay kasalukuyang main anchor ng On the Go sa DWIZ 882, 5:30-7:00pm, Monday to Friday at co-anchor sa PTV-4’s afternoon newscast Sentro Balita with Angelique Lazo.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio