Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte unang trial volunteer ng bakuna (‘From Russia with Love’)

INIALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili na maging unang vaccine trial volunteer kapag dumating sa bansa ang bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) mula sa Russia.

“Ako pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentohan. Okay para sa akin,” anang Pangulo sa public address kagabi sa Davao City.

Ipinagmalaki ng Pangulo na masaya siya sa alok na bakuna ni Russian President Vladimir Putin na libre at todo ang bilib niya na ang pag-aaral ng Russian para labanan ang COVID-19 ay makabubuti sa sangkatauhan.

“Kaya ako para ipakita ko sa kanila na nagtiwala ako at hindi sila nagkamali nag-offer, ako pagdating, ‘yung doktor nila o doktor natin, ako ang unang magpabakuna. Tingnan natin kung puwede ba. Kung puwede sa akin, puwede sa lahat,” sabi ng Pangulo.

“ Sabihin ko rin kay President Putin na tiwalang — malaki ang tiwala ko sa pag-aa — your studies in combating COVID and I believe that the vaccine that you have produced is really good for humanity,” dagdag niya.

Umaasa ang Pangulo na bago matapos ang taon ay matutupad ang hangarin niyang magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19 upang makabalik na sa normal ang pamumuhay sa bansa. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …