Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Yul Servo, proud sa leadership ni Mayor Isko Moreno

SA gitna ng pandemic na dulot ng Covid19, patuloy pa rin ang masipag na public servant na si Congressman Yul Servo sa paglilingkod sa kanyang constituents sa 3rd District ng Maynila.

Sa panahong ito, mas nakatutok siya sa pagtulong sa kanyang mga nasasakupan.

Ano’ng mga proyekto ang ginagawa niya ngayon? Tugon ng award-winning actor, “Iba-iba po eh, mayroon po ako sa infrastructure, mayroon po ako sa transport, tapos mayroon din po katulad po ng mga presinto, ospital, LTO, mga barangay hall po…, marami po tayong project, itong mga iba ay on-going pa, hindi pa po tapos.”

Nabanggit din ni Yul na sa ngayon ay huminto muna sila sa pagbibigay ng ayuda sa kanyang mga kadistrito, dahil may isa siyang staff na nag-positive.

“Ngayon po nagpahinga muna po kami kasi tinamaan po yung isang staff namin. Ngayong araw ay ipina-test ko po sila. Nagpa-test po ako at lahat na po sila,” sambit pa niya.

Ano’ng reaction niya na si Mayor Isko Moreno ay naglaan na ng P200 million para kapag available na ang vaccine sa Covid19, may pondo na agad ang Maynila?

“Daig ng maagap ang masipag, kuya, hindi ba? Kaya kapag dumadating na yung pagkakataon (na may vaccine na) ay malaking tulong ‘yun na handa ang gobyerno. At ang masasabi ko kay Yorme naman, eh laging handa ngayon ang gobyerno sa Maynila. Ang leadership ni Yorme ay makikita mo talaga, kaya nakaka-proud bilang isang Manileno,” saad ni Yul.

Pahabol pa niya, “Kaya ang wish ko, sabi nga ng matatanda, hindi naman lagi iyang tag-ulan… kaya sana wish ko ay magkaroon na sana talaga ng vaccine na talagang one hundred percent na effective at walang side effect, na magpapatigil na rito sa Covid19.

“At sana pagkatapos ng pandemic, magka-isa na tayong mga Filipino at makabangon na tayo sa nangyaring malaking pagsubok na ito sa ating lahat.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …