Monday , December 23 2024

Pagbagsak ng ekonomiya, kasalanan ng Duterte admin – IBON Foundation

KASALANAN ng administrasyong Duterte ang pinakamalalang pagbagsak ng ekonomiyang naitala sa kasaysayan ng Filipinas.

Iniulat kahapon ng pamahalaan ang pagbagsak sa -16.5% ng gross domestic product (GDP) sa second quarter o mula Abril hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

“The Duterte administration is to blame for the worst economic collapse in the country’s recorded history. Growth rate falling to -16.5% in the second quarter from 5.4% in the same period last year is an unprecedented 21.9 percentage point drop,” ayon sa kalatas ng Ibon Foundation kahapon.

Sinusukat ng GDP ang kabuuang produksiyon ng produkto at kagalingang ekonomiko ng isang bansa. Sinasalamin nito ang kabuuang halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa isang partikular na panahon.

Anang Ibon Foundation, halos sabay-sabay ang mga bansa sa Timog Silangang Asya na nakapagtala ng unang mga kaso ng COVID-19 noong Enero 2020 ngunit matapos ang anim na buwan, ang walang kuwentang tugon ng administrasyong Duterte ang nagluklok sa Filipinas bilang may pinakamahinang ekonomiya sa rehiyon.

“The country’s second quarter performance is the worst of the major economies of ASEAN: Singapore

(-12.6%), Indonesia (-5.3%), Vietnam (0.4%). Thailand and Malaysia haven’t released their official estimates yet but these are projected to be around -10% to -13% by analysts,” sabi ng Ibon Foundatio.

Ang epekto ng pandemya, anito, ay naging mas malala dahil sa mabagal, hindi maayos at hindi sapat na tugon ng administrasyong Duterte.

“The economy will falter as the virus continues to spread. This is aggravated by the Philippines having the smallest COVID-19 response in the region to date, as monitored by the International Monetary Fund (IMF).”

Ang kakaibang sagot umano ng economic managers sa kalalabas na GDP data ay nagpapakita na mas magiging matindi ang pagbulusok ng ekonomiya ng bansa.

Tumanggi na umanong magbigay ng pinansiyal na ayuda sa mahihirap na mamamayan ang gobyerno pero ipinangangalandakan ang pagkakaroon ng “creditworthiness” ng Filipinas at isusulong pa rin ang mga proyektong pang-impraestraktura sa ilalim ng programang Build, Build, Build.

Ang ipinagmamalaki umanong recovery plan ng economic managers ay hindi pa rin isinasapubliko hanggang ngayon.

Anang Ibon Foundation, ang nais lamang suportahan ng economic managers ay P140-bilyong Bayanihan 2 package na katumbas lang ng 0.7% ng GDP.

“Knowing how stingy this amount is, they even deceitfully bloat this by claiming P40 billion in corporate tax breaks under the proposed Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2 aka Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act as a stimulus measure,” anang Ibon Foundation.

Milyon-milyong Pinoy umano ang patuloy na magdurusa sa “criminal neglect” ng administrasyon partikular ang may 27 milyong walang trabaho

Maaari umanong umabot sa dalawang taon o mahigit pa bago makabangon o makabalik ang ekonomiya sa kalagayan nito bago ang pandemya.

Batay sa pagtaya ng IBON, kailangan ng P1.5 trilyon recovery and reform package na katumbas ng 7.7% ng GDP.

“The way out from recession is straightforward: contain the virus with rational testing, tracing and isolation of cases instead of desperate lockdowns; support health frontliners and increase hospital capacity; give financial assistance to improve household welfare and boost aggregate demand; and support Filipino MSMEs with cheap credit and enterprise support,” paliwanag ng IBON. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *