THANKFUL ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan sa nakuhang nomination sa gaganaping 33rd Awit Awards. Dahil sa COVID-19, ang announcement ng winners dito ay magaganap sa August 29, 6:00 pm.
Ang nominasayon ni Janah ay para sa kanyang single na Sana Lagi Ay Pasko, sa kategoryang Best Christmas Recording of the Year.
Pahayag ni Janah, “Actually, it’s my first time to be nominated sa Awit Awards. It’s an honor for me siyempre po, to be nominated.
“Akala ko nga iyong una na mahabang list, iyon na iyon. Iyon pala may final list pa talaga na nominated for that category. So, I feel blessed talaga,” masayang wika niya.
Co-nominees dito ni Janah sina Joaquin Valdes, Myke Solomon, Arman Ferrer (My Favorite Time of The Year), Moira Dela Torre (Yakap), Issa Rodriguez (A Christmas Song I Wrote For You), at Cup Of Joe (Alas Dose).
Ang Sana Lagi Ay Pasko ay prodyus nina Roxy A. Liquigan at Victor C. Zaplan. Ito’y komposisyon ni Brian Lotho, para sa Star Music.
Samantala, proud naman ang parents ni Janah na sina Ms. Dencie at Boyet Zaplan, sa panibagong achievement ng anak.
Kaya nagpapasalamat ang dalagang katatapos lang mag-debut rercently, dahil sa pagkakaroon ng sobrang supportive na magulang. Dapat ay isang bonggang party sa isang five star hotel ang debut ni Janah, pero dahil sa COVID 19 ay na-cancel ito at sa bahay na lang ginanap ang isang intimate ngunit meaningful na celebration para sa pinakamamahal na bunso ng Zaplan family.
Sa ngayon ay nakatutok si Janah sa kanyang forthcoming online classes para sa Airlink, na estudyante siya sa kursong BS Major in Flying. Ito ang katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap sa buhay.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio