Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fountain of youth ni Korina Sanchez, galing sa BeauteDerm

KASABAY ng selebrasyon ng 11th anniversary ng Beautéderm Corporation, may kolaborasyon sa isang sensational at bagong produkto kasama si Korina Sanchez-Roxas, ito ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Ang kilalang TV host at news anchor ang bagong brand ambassador ng kompanyang pag-aari ng super-successful na President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Last July 30 ay ipinakilala na si Ms. Korina bilang bagong kapamilya ng Beautederm. Maganda ang lumabas na promotional poster at video nito. Sosyal ang dating at bagay na bagay sa image ni Ms. Korina. Marami rin ang nagsasabi na younger looking talaga rito ang magaling na broadcast journalist.

Matapos ang almost two years sa pagsasaliksik at aktuwal na testing kay Korina ng Slender Sips K-llagen Collagen Drink, nagbigay na siya ng go signal upang maging endorser nito na aniya’y maaari rin matawag na fountain of youth.

Sambit niya, “Marami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day.”

Saad ni Ms. Korina, “I am extremely proud to be part of this collaboration.”

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan, internally at externally.

Sa panig naman ng lady boss ng Beautéderm, ipinahayag niya ang labis na kaligayahan na makasama si Ms. Korina sa Beautéderm family.

Aniya, “I welcome Ms. K with open arms and a happy heart. Idol ko siya, mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala.

“This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang nagre-represent sa produkto naming ito,” wika pa ni Ms. Rhea na itinuturing na dream come true ang collaboration nila ni Korina.

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates ukol sa K-llagen at kay Korina Sanchez-Roxas, sundan ang@beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …