PUMALO na sa 9,569 kabuuang bilang ng mga Pinoy abroad ang kompirmadong nagpositibo sa COVID-19 mula sa 71 bansa at rehiyon.
Ito’y matapos madagdagan ng 13 overseas Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Asia Pacific Region.
Ayon sa DFA sa nasabing bilang, 3,326 ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang mga ospital.
Nanatili sa 5,572 ang bilang ng overseas Filipinos ang nakalabas sa mga ospital matapos maka-recover sa nakamamatay na sakit.
Umabot sa 671 Pinoy abroad ang pumanaw dahil sa COVID-19.
Samantala nanatiling pinakamataas ang naitalang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa Middle East na umabot sa 6,670 ang bilang.
Pangalawa ang Europa na may 1,111 kompirmadong kaso ng COVID-19, sumunod ang Asia Pacific Region na may 926 confirm cases, habang nasa 762 ang naitalang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa America. (JAJA GARCIA)