Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 ex-OFWs, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency  – Special Enforcement Service (PDEA-SES), Regional Office – National Capital Region, at Taguig City Police ang nabulagang tatlong suspek sa ikinasang buy bust operation na nakompiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, nitong Miyerkoles ng hapon.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Amera Akmad, 40 anyos, dating overseas Filipino worker (OFW) ng New Lower Bicutan, Taguig City; Shara Sinsuat, 34, dating OFW, ng Upper Bicutan, Taguig City; at Aldin Guiali, 18, tubong Maguindanao.

 

Base sa ulat ni PDEA-SES officer-in-charge Regional Director Rogelito Daculla, dakong 1:30 pm nitong Miyerkoles, 29 Hulyo, nang arestohin ang mga suspek sa parking lot ng isang food chain, sa FTI Complex, Langka Road, Barangay Western Bicutan, Taguig .

 

Ilang araw na isinailalim sa surveillance ang mga suspek na nagpapalipat-lipat ng lugar sa pagtutulak ng ilegal na droga hanggang masakote sa ikinasang operasyon.

 

Aabot sa 400 gramo ng shabu na may katumbas na P3.4 milyon ang nasamsam sa mga suspek.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag suspek. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …