Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte napikon sa hamon ni Drilon (Sa anti-political dynasty law)

GINAWANG “opening and closing remarks” ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalimang SONA ang pag-atake kay Senator Franklin Drilon dahil hinamon siyang ipasa ang anti-political dynasty law at ipinagtanggol ang pamilya Lopez matapos ibasura ng Kongreso ang ABS-CBN franchise.

“In an interview, (Drilon) arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then, he linked the anti-dynasty system with oligarchy and the topic was my daughter and son. This happened after the (House) committee of franchise 70-11 to deny the grant of franchise to ABS-CBN,” aniya.

“There are those who take advantage of a preoccupied government. One of them is Senator Frank Drilon… He arrogantly mentioned that oligarchs need not be rich, then he linked the anti-dynasty system with oligarchy, and the topic was my daughter and son… He was defending the Lopezes, that they are not oligarchs. I am a casualty of the Lopezes during the 2016 elections,” wika ng Pangulo.

Hinamon kamakailan ni Drilon ang pahayag ng Pangulo na matagumpay niyang nalansag ang oligarkiya, kasabay ng paliwanag na mangyayarari lamang ito kapag may “structural reform and an overhaul of existing laws that allowed oligarchy to persist.”

Ang talumpati ng Pangulo hinggil sa umano’y pagbuwag niya sa oligarkiya ay nang humarap siya sa mga sundalo sa Jolo,Sulu, ilang araw matapos ibasura ng Kamara ang ABS-CBN franchise.

Giit ni Drilon, “it is not in wealth that you are an oligarch, you are an oligarch if you use your power to promote through the political system your own interest.”

Si Drilon ang may-akda ng dalawang panukalang batas na nagbabawal sa political dynasty at may layuning palakasin ang political party system sa bansa at ipagbawal ang political turncoatism.

Tinukoy ni Drilon sa isang panayam na ang pamilya Duterte ay isa sa political dynasty sa bansa dahil nakaluklok sa puwesto, bukod sa Pangulo, ang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Rep. Paolo Duterte at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …