Monday , December 23 2024

Mega web of corruption: Lupain ng IBC-13, ‘inagaw’ (Ika-10 Bahagi)

ni ROSE NOVENARIO

PANGKARANIWANG kalakaran sa lipunang Filipino na ang pribadong lupain ay nakakamkam o naipagbibili sa paluging presyo para sa pagsusulong ng proyekto ng pamahalaan.

Kabaligtaran ang naging kapalaran ng mahigit apat na ektaryang lupain na pagmamay-ari ng Intercontinental Broadcasting Corportaion (IBC-13), isang sequestered, government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network.

Sa isang kuwestiyonableng joint venture agreement na pinasok ng IBC-13 sa R-II Builders/Primestate Ventures, Inc., noong Marso 2010, naglahong parang bula ang pangalan ng state-run network bilang may-ari ng ekta-ektrayang lupain matapos ang anim na taon.

Maging ang Commission on Audit (COA) ay namangha sa kinalabasan ng JVA, kaya’t sa 2018 Annual Audit report nito’y sinabi na ang terms and conditions ng inamyendang JVA noong 2016 ay nagresulta sa contract of sale imbes joint venture agreement.

Ang orihinal na probisyon ng JVA ay i-develop ng RII Builders-Primestate Ventures, Inc., ang 36,401 square meters mula sa 41,401 sqm na pag-aari ng IBC-13 sa Broadcast City, Capitol Hills, Quezon City para sa proyektong residential complex na LaRossa at ang natitirang 5,000 sqm ay tatayuan umano ng dalawang building para sa state-run network.

Ngunit sa amended JVA , matapos ang siyam na taon na pagbabayad ng P728-M ng R-II Builders/Primestate Ventures sa sistemang installment o hulugan sa IBC-13 ay itinuring itong kabayaran para sa 36,301 square meters na lupain imbes “sharing of net revenues in a residential development.”

Batay sa COA report, nalugi ang IBC-13 sa naturang transaksiyon dahil kung ang talagang intensiyon nito’y ibenta ang ari-ariang lupain, dapat ay cash basis at kung hulugan, sana’y may ipinataw na interes sa halagang idineklara.

“IBC-13 was at a disadvantage for the reason that with the intention to sell the property, the payment should have been made outright or at the very least interest should have accrued on the deferred payments.”

Anang COA, ang naturang transaksiyon na itinuturing na pagbebenta ng ari-arian ng gobyerno, ay paglabag sa Section 79 ng PD No. 1445 at Sections 2 at 3 ng EO No. 888, o “authority to dispose unserviceable equipment and disposable property.”

Sabi ng COA, ang bentahan ay hindi dumaan sa bidding, kaya’t maaaring hindi natanggap ng gobyerno ang tamang bayad base sa tunay na halaga ng lupain ng IBC-13 na napunta sa R-II Builders/Primestate Ventures.

Ang R-II Builders ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Reghis Romero. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *