Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CBCP

Palasyo umalma sa CBCP

UMALMA ang Palasyo sa maanghang na pastoral letter ng CBCP at sinabing tila paglabag ito sa doktrina ng “separation of Church and State” na nakasaad sa Saligang Batas.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pahayag ng CBCP ay pareho sa “false narrative” ng mga kritiko ng Anti-Terror Law.

Para sa Malacañang, ang adbokasiya ng CBCP maging ang panawagan sa mga Katoliko upang manalangin ay malinaw na paggiit ng “religious influence or pressure” sa Korte Suprema para magpasya laban sa isang batas na idinisenyo upang labanan ang pan­daig­digang krimen ng terorismo at upang tiyakin ang kaligtasan ng sambayanang Filipino.

“The CBCP only has to trust our judicial system given that adopting an opposite mindset only undermines the legal institutions,” ani Panelo.

Pumalag ang Palasyo sa pagkompara ng CBCP sa kasalukuyang lipunang Filipino na “para na tayong palaka na lumalangoy sa isang palayok na tubig na unti-unting pinakukuluan.”

Binigyan diin ni Panelo na mas malala ang kalagayan ng bansa sa mga nakaraang adminis­tra­syon at ipinagmalaki na umiiral na ngayon nang patas ang batas sa lahat dahil sa “political will” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ROSE NOVENARIO) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …