Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte sa leftist at communist groups: Terorista kayo!

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Anti-Terrorism Law ay kanyang nilagdaan para maging legal na armas laban sa mga makakaliwa at komunistang grupo.

Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa pagtatwa ng ilang miyembro ng kanyang gabinete na walang dapat ikatakot ang mga leftist at mga komunista dahil hindi para sa kanila ang kontrobersiyal na Republic Act 11479 o Anti-Terror Law.

“Ito kasing mga left pati itong komunista, they think that we are always thinking of them. I don’t… They would like to be treated with another set of law. When as a matter of fact, they are terrorist,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kahapon ng madaling araw.

Kahit wala pang deklarasyon ang hukuman at iba pang international organizations na terrorist groups ang mga makakaliwa at komunistang grupo sa Filipinas, idineklara na sila ng Pangulo bilang mga terorista.

“They are terrorist because we — I finally declared them to be one. Why? Because we — I spent most of my days as a President trying to figure out and connect with them on how we can arrive at a peaceful solution,” sabi niya.

Ngunit batay sa Republic Act 7636, legal ang Communist Party of the Philippines (CPP).

Tanggap ng Pangulo na kukuwestiyonin sa Korte Suprema ang batayan sa Konstitusyon ng Anti-Terror Law.

Kapag hindi naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court, magiging epektibo sa 19 Hulyo 2020 ang Anti-Terror Law at maaaring ibilanggo hanggang 24 araw ang isang pinaghihinalaang terorista kahit walang pormal na kaso sa hukuman.

Sa panahon batas militar at suspendido ang writ of habeas corpus, pinalalaya ang mga akusado sa loob ng tatlong araw kung hindi makakasuhan.

Bibigyan din ng bagong batas ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council ng kapangyarihang magdeklara ng isang tao o grupo bilang mga terorista, kahit na korte ang may kapangyarihang ideklara ito.

Ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iba pang mga abogado, labag sa 1987 Constitution ang batas dahil inaagawan ng ATC, na bahagi ng ehekutibo, ng trabaho ang hudikatura.

Ilang beses inihayag ni Pangulong Duterte na siya ang kauna-unahang “leftist president” ng Filipinas.

Nag-urong sulong rin sa pagsasagawa ng peace talks ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista  hanggang noong Abril nang magbanta sa legal na makakaliwang organisasyon, na magtago oras na magpatupad siya ng mala-batas militar na kaayusan sa panahong nararanasan ang COVID-19 pandemic.

“Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal, magtago na kayo,” aniya sa public address noong 23 Abril 2020.

“‘Wag ninyong sabihin na put*ngina, na wala kayong… You know, you are a bullsh*t. You are the legal fronts.” (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …