Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Kris sa TV5, ‘di na tuloy

LAHAT ng kakilala namin sa TV5 ay tinanong na namin tungkol sa tsikang hindi na tuloy ang programang Love Life with Kris ni Kris Aquino na nakatakdang umere sa Hulyo 25, Sabado, 5;00 p.m..

 

Ang iisang sagoti sa amin, “no idea po, walang binabanggit ang management.”

 

Dagdag pa, “ang alam lang po namin, hindi na matutuloy ang rebranding ng TV5 as One TV, say’s MVP (Manny V. Pangilinan) still TV5.”

 

Excited pa naman si Kris na i-post ang mga bago niyang pictorial sa kanyang Instagram account nitong weekend at nilagyan na niya ng titulong Love Life with Kris.

 

At ang dami na ring sumulat sa show dahil halos lahat ay masaya sa muling pagbabalik ni Kris sa telebisyon pagkalipas ng ilang taong hindi siya napanood.

 

Pati mga dating sponsors ay  isa-isang nagbalikan na at bukod pa sa maraming nakalinya for negotiations.

 

Kahapon ay nakarating sa amin na hindi tuloy ang programa sa TV5 na tila may hindi napagkasunduan ang management at ang producer ng programa kasi nga blocktimer ito.

 

Sinilip namin ang IG ni Kris pero deactivated ito, ayon sa taong malapit sa kanya.

 

Katwiran ni Kris, “Ang dami-dami nang problema ng mga tao, ‘di na ako dapat dumagdag pa.”

 

Tinext namin ang manager ni Kris na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, “we don’t have final word yet.”

 

May pahabol naman ang taga-TV5, “still working on it.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …