Monday , December 23 2024

Untouchable? Palasyo deadma sa petisyon ng Cebuanos vs. Dino

MAY tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino kahit isang petisyon ang umuusad na humihiling na ipatanggal siya sa puwesto dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at sinabing pagkakasangkot sa iregularidad sa P1-bilyong pondo ng Cebu City kontra COVID-19.

Sa Palace virtual press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, habang nasa puwesto si Dino sa kabila ng mga naisiwalat na kinasasangkutang mga iregularidad, nangangahulugan na may tiwala pa rin sa kanya si Pangulong Duterte.

Aminado si Roque na hindi mapipigilan ng Palasyo ang online petition laban kay Dino.

“Well, isantabi muna po natin ang politika ‘no. Iyong online petition, hayaan po natin ang mga gumagawa niyan, hindi po natin mapipigilan iyan. Pero as to the issue of resignation, we all serve at the pleasure of the President po, kapag nawalan ng tiwala ang Presidente, goodbye Cabinet member. Pero sa ngayon po, nandiyan pa rin po si Secretary Diño, so may tiwala pa rin po ang Presidente kay Secretary Dino,” ani Roque.

Kaugnay nito, inihayag ni Sen. Christopher “Bong”Go na dapat kasuhan si Dino kung may mga ebidensiya na magpapatunay sa mga alegasyon sa online petition kahit ‘kaibigan’ nila ang sangkot.

“Kasuhan dapat if dapat kasuhan kahit kaibigan namin ni PRRD,” sabi ni Go.

Napag-alaman na si Dino ay isa sa mga tumulong sa kampanya ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections ngunit ang mas malaking grupo ng Cebuano na umayuda rin ay naetsapuwera nang maluklok siya sa OPAV.

Nakalikom na ng 4,452 ang online petition na humihiling na patalsikin si Dino na pinangunahan ni Juan Alfafara.

Tinukoy sa petisyon laban kay Dino na  nakikipagsabwatan siya sa ilang lokal na opisyal ng Cebu City sa kuwestiyonableng paggasta sa P1-B pondo ng siyudad sa kampanya kontra COVID-19.

Ang Cebu City ang itinuturing ngayon na epicenter ng  pandemya sa Filipinas dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“Kaya ang solusyon po para sa Cebu, magpadala ng mas maraming doktor – at nagpadala na po ang Hukbong Sandatahan natin – mas maraming nurses, mas maraming ventilators. At magbibigay na rin po ng tents ang Philippine National Red Cross to augment iyong mga emergency facilities ng ating mga ospital diyan sa Cebu,” sabi ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *