Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda at Catriona piniglasan, paghuli sa mga gay at lesbians

UMAANGAL sina Catriona Gray at Vice Ganda sa ginawang pag-aresto sa isang grupo ng mga bakla at tomboy na nag-rally sa Mendiola at patuloy na ipino-protesta ang pagsasa-batas ng Anti Terrorism Bill. Ang sabi ng dalawa, lahat naman ng nag-rally na gays at lesbians ay naka-face mask. Nasunod din naman ang social distancing.

Hindi mo naman masasabing mass gathering talaga iyon dahil 20 lang sila. Pero hinuli pa rin sila ng mga pulis. Kaya nga balak ng mga gay at lesbian na iyon na idemanda ang mga pulis na humuli sa kanila.

Kasabay niyon, nanawagan sina Vice at Catriona kay Manila Mayor Isko Moreno na tulungan ang mga hinuli na tinawag naman nilang Pride 20.

Pero simple lang naman ang sinabi ng mga pulis, pinakiusapan na kasi silang mag-disperse, hindi pa sila sumunod. Wala naman silang permit para sa rally na iyon. Mayroong umiiral na batas sa Maynila na kailangan ang permit bago magsagawa ng ano mang rally. Maaari nga kasi iyong maging sagabal sa mga lansangan ng Maynila. Hindi naman sila nag-rally sa “freedom park” o sa “liwasang Bonifacio” na pinahihintulutan na ang rallies.

Hindi naman sinabi ni Vice at ni Catriona kung sila ay kaisa rin doon sa mga tumututol sa anti terrorist bill kaya sila nakikiisa sa mga gay at lesbians na nag-rally, pero dahil ang dalawa ay identified din sa ABS-CBN, na karamihan ay laban sa panukalang batas na iyon, marami rin ang nag-iisip na kasama rin sila talaga sa protesta, wala man sila sa rally.

Kanya-kanyang paniniwala iyan eh, at iyon ang gusto nila kaya hindi natin sila mapipilit. Tingnan na lang natin kung ano naman ang maitutulong nila sa mga gay ay lesbians na nahuli sa rally.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …

Snooky Serna

Snooky tinarayan ng young star

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI na kagulat-gulat ang mga kuwento ng mga kabataang artista, although …

Beauty Gonzalez Ellen Adarna

Beauty happy sa pagkakaroon ng peace of mind ni Ellen

RATED Rni Rommel Gonzales MATALIK na magkaibigan sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna kaya hindi naiwasang tanungin ang una …