Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Co, ‘di binantaan si Frankie, pinupuna ang Pangilinan Law

MARAMI ang nagko-comment, ang bilis pala ng tracing ng NBI kung si Sharon Cuneta ang may reklamo. Eh kasi naman sinabi ni Sharon na matagal na niyang kaibigan at abogado pa niya si Secretary Menardo Guevarra. Mabilis nilang na-trace ang nagbanta umano ng rape sa anak ni Sharon. Nalaman nilang iyon pala ay nasa UK, ang tunay na pangalan ay Sonny Co, at member ng isang “born again church.”

 

Inalis na ni Sonny Co ang kanyang social media account. Gayundin naman ang social media account ng kanilang “fellowship” na siguro naapektuhan na ng maraming mga pagtatanong. Pero maraming kasamahan sa “fellowship” na nagtatanggol kay Co at nagsasabing iyon ay “mabuting tao.”

Kung kami naman ang tatanungin, ayon sa aming pagkakaunawa sa post, hindi niya talaga binantaan ng rape ang anak ni Sharon. Kung iintindihing mabuti, ang kanyang post ay isang kritisismo sa Pangilinan Law, o iyong RA 9344, na nagsasabing hindi maaaring parusahan kahit na ang napatunayang kriminal ay menor de edad. Kaya niya nasabing kung gahasain man ang anak ni Sharon, hindi siya makukulong kung siya ay 12 years old lamang, at walang ibang dapat sisihin kundi ang tatay niyon.

 

Doon sa isa namang kaso, humingi ng paumanhin kay Sharon ang kolumnistang si Ronald Carballo matapos na magbanta iyon na idedemanda siya at hindi baleng maubos ang kanyang kayamanan.

 

Iyong paghingi ng paumanhin ay “admission of guilt” ayon sa desisyon ng korte. Inaamin mo na ang kasalanan mo, at ang pahingi ng paumanhin ay hindi magliligtas sa iyo sa usaping legal. Maliban na lang kung tatanggapin ng complainant ang iyong apology at hindi na magsasampa ng kasong legal. Kung hindi, iyon mismong apology mo ang gagamiting pangunahing ebidensiya laban sa iyo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …