THE world has changed. Lahat ng bagay mayroong new rules and new guidelines dahil kailangan nating mag-adjust sa New Normal. Kahit mahirap ito lalo na sa mga taga-entertainment, wala tayong choice kundi sumunod at mag-adapt.
Aware rito ang JAMS Artist Production, ang sikat na casting agency na pinamumunuan nina Jojo Flores (na dating taga-Star Circle Quest) at Maricar Moina.
Ayon kina Jojo at Maricar, handa sila sa new normal, in fact pinaghandaan na rin nila ito.
Naikuwento nina Jojo and Maricar ang mga ginagawa ng production company nila para sa transition. Kung dati-rati ay nagsasagawa sila ng mass audition sa office nila, ngayon ay online screening na muna. Ang initial interview ay via Zoom and by schedule na ang actual audition.
“Siyempre sumusunod kami sa social distancing and proper protocol na ipinatutupad ng gobyerno dahil alam namin na para rin naman ‘yun sa kapakanan ng lahat,” ani Jojo. “We cannot risk anyone’s safety.”
Kilala ang Jams Artist Production sa pagsu-suplay ng talents sa mga teleserye at pelikula. Dahil nga sa nangyaring pandemya at lockdown, marami talaga ang nawalan ng trabaho sa mga talent nila kasi walang shooting, taping and live events. Kaya naisip nila na gumawa na rin mismo ng mga project na puwedeng paglagyan ng mga talent nila.
“Digital shows muna tayo. May creative team na kaming kinuha to conceptualize projects for us,” paliwanag ni Jojo. “At siyempre nasa plano na rin namin ang pag-produce ng movie.”
Kahit nga wala pang mga sinehan na bukas at bawal din ang mass gathering or malakihang pagtitipon, may mga digital platforms naman na puwede nilang lapitan. And naniniwala rin sila na matatapos din itong pandemya at mas maraming businesses pa ang magbubukas, kasama na nga ang sinehan.
Nilinaw din ng dalawa na tuloy pa rin ang flagship project nila na JAMS Top Model Philippines na isang yearly modelling search. Malaki ang papremyo nila, in fairness. As in tumataginting na P500,000. Kaya naman marami ang sumasali mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa katunayan, sa event nila last January 2020, almost 200 models ang rumampa sa MOA Arena from 100 cities and municipalities.
Bakit nga ba ganoon kalaki ang premyo sa modelling search, tanong namin sa dalawa. According to Jojo, ang winner kasi sa contest nila ay may one year to fulfill an obligation sa company nila as a model gaya ng pagrampa ‘pag may fashion show at pag-attend sa mga related events ng JAMS sa iba’t ibang key cities and provinces.
“Naisip kasi namin na mas maganda na while fulfilling her duties as a grand winner eh, well-compensated na sila and wala na silang problema pa na baka ‘di maka-attend. Hindi naman isang bagsakan ang pagbibigay sa premyo kundi by schedule. Like after ng pageant, may matatanggap sila. Then in the middle of the reign ang second payment tapos sa pinaka-final night ng sumunod na search nila makukuha ang remaining prize,” sambit pa ni Jojo.
Sinabi naman ni Maricar, may na-experience na sila rati na after makuha ang prize eh, hindi na nagpakita at hindi rin pumunta sa activities nila. Kaya iniba na rin nila ang process ng pagbibigay ng cash prize noong last event nila. And sa next contest ay idaragdag nila ang pagkakaroon ng trust fund for the grand winner especially sa mga kids.
“Gusto namin na magamit talaga ng bata or ng winner namin ang prize responsibly. Ayaw namin ‘yung isang araw lang, ubos na agad. Others may not agree with us pero ang sa amin, we want to protect our winners din and matuto sila to spend it wisely.”
Sa ngayon ay online registration palang ang ginagawa nila.Marami na nga ang nag-register at nagpahayag ng suporta sa naturang search. Kapag may go-signal na ang gobyerno na puwede na uli ang live events, at saka sila magbibigay ng mga dates para sa local gala ng iba’t ibang lugar. Ang mananalo sa mga local gala will automatically represent their place in the grand finals na usually ay ginagawa sa Mall of Asia Arena.