Tuesday , July 29 2025

Misis bawal umangkas kay mister (Kabit na sidecar puwede sa motorsiklo)

DAGDAG-GASTOS para sa nagdarahop na manggagawa ang panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na lagyan ng sidecar ang kanilang motorsiko kung gustong maisabay ang asawa o kaanak sa biyahe papasok sa trabaho.

 

Inihayag ito ng DILG matapos isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, ngunit ipinagbabawal pa rin ang angkas sa motorsiko.

 

“Papaano natin maso-solve itong angkas dahil, halimbawa, ay mag-asawa nga sila, unti-unti po ay gumagawa tayo ng bicycle lane, gagawa tayo ng tricycle lane at lagyan na lang po ng sidecar iyong motor at puwede namang isama niya iyong kaniyang misis. Ganoon lang po naman iyong mga solution habang mayroon pa tayong virus,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa virtual press briefing sa Palasyo kahapon.

 

May tsansa aniya na mahawa ang angkas o ang driver mismo ng motorsiklo dahil makasasalamuha nila ang mga katrabaho.

 

“Kung ang mag-asawa ay papasok at nakaangkas, pagdating niya sa opisina ay mahahawa iyong lalaki at pag-uwi niya ay nakaangkas iyong babae, iyong babae naman ang mahahawa. Ang susunod naman na mahahawa ay iyong opisina o kaopisina ng babae,” dagdag ng kalihim.

 

Batay sa patakaran ng IATF, pinapayagan sa ilalim ng GCQ ang pagbiyahe ng tren, bus sa limitadong kapasidad, taxi, transport network vehicle services, shuttle services, point-to-point buses, at mga bisikleta.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *