Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga naniwalang split na sina James at Nadine, nagmukhang tan-g-a

HINDI ba masasabing nagmumukhang “tan-g-a” ngayon iyong mga naniwala at nagkalat noon na nag-split sina James Reid at Nadine Lustre? Noon pa namin sinasabi, hindi “nag-split” iyan. Pinalabas lang na split kunwari o wala na muna sila dahil career move iyan.

 

Naisipang itambal si James doon sa Koreanang si Nancy McDonie, para maiba-iba naman dahil medyo naiiwan na ang popularidad ng JaDine. Tumaas kasing masyado ang popularidad ng KathNiel. Nag-trending noon ang AlDub. Naiwan sina James at Nadine at nakita nila na mali ang kanilang desisyong aminin sa publiko na nagli-live in nga sila.

 

Paanong magki-click si James na kasama ang Koreanang starlet, eh nakita na nila na si Nadine nang itambal sa ibang leading man, dalawang magkasunod na flop ang inabot? Eh ‘di asahan mo nang flop din si James, kaya naisipan nila na kunwari split na muna sila.

 

Paano namang hindi ka magdududa, eh noon napakadalas silang makita sa mga bar sa Makati na magkasama. Tapos Valentine’s day, hindi nga si James, pero ang tatay ni James naman ang kasama ni Nadine sa isang restaurant. Hindi ang tatay niya kundi ang tatay ni James. Umalis din si Nadine sa Viva, at sinabing siya na ang magma-manage ng sarili niyang career, pero kasabay iyon ng pagtatatag ni James ng Reid Entertainment na ang magpapatakbo ay ang tatay niya, at noong una pa sinasabi nilang inaasahan na nilang lilipat doon si Nadine.

 

Ngayon ito na ang final blow. Magkasama sina James at Nadine mismo noong May 4, doon sa Philippine Arena habang nagse-set up ng mga tent para sa exhibit niyong International Sanitation and Protection Suppliers. Iyong picture nilang magkasama, inilabas ng mga organizer sa social media. Ano pa ngayon ang sasabihin ninyo?

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …