MAY isang guideline para sa shooting ng mga pelikula at taping ng mga television show na ginawa ang Inter Guild Alliance, na umabot yata sa 37 pages lahat dahil covered niyon ang lahat ng aspeto ng trabaho sa pelikula at television, at iyon ang sinasabing ipatutupad ng PMPPA, o ng samahan ng mga film producer.
Nanindigan ang PMPPA na iyon ang ipatutupad nila, dahil iyon ang napagkasunduan ng mga manggagawa na siyang nakaaalam talaga ng trabaho nila. Hindi iyong isang guideline na ginawa nang ni hindi kinukonsulta ang mga manggagawa, at ang mga producer na siyang namumuhunan sa pelikula at maging sa telebisyon. Tama sila. Iyan ang guidelines na dapat ipatupad.
HATAWAN
ni Ed de Leon