Sunday , December 22 2024

Disimpormasyon ng estado garapal — Ex-solon (Sa mass testing)

GARAPAL na disimpormasyon ang inihayag kahapon ng Palasyo na walang bansa sa buong mundo na nakapagsagawa ng mass testing.

“It is shameless state disinformation to state that no mass testing was ever conducted around the world,” ayon kay dating Kabataan party-list representative at Infrawatch convenor Terry Ridon kasunod  ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon na walang bansa ang nagsagawa ng mass testing sa kanilang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19).

Giit ni Ridon, batid ng lahat na ang Vietnam, karatig bansa ng Filipinas sa Southeast Asia ay nagsagawa ng mass testing upang pigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Batay sa ulat, umabot lamang sa 270 ang nagpositibo sa COVID-19 at walang namatay sa Vietnam na may 96 milyong populasyon.

“A basic search will show that Vietnam, our neighbor state in Southeast Asia, has undertaken mass testing to contain the coronavirus. Making this worse is that Vietnam is not even a better economy than the Philippines (GDP per capita, World Bank). The GDP per capita of the Philippines is US$1,503.3 higher than Vietnam in 2018,” sabi ni Ridon.

Wala aniyang dahilan para hindi magsagawa ng mass testing lalo na’t umaahon na mula sa enhanced community quarantine (ECQ) ang mga lugar.

“There is thus absolutely no reason not to conduct mass testing as we emerge from ECQ. If we continue along this path and the second outbreak comes, accountability falls squarely on government, no one else,” dagdag niya.

Matatandaang umani ng batikos ang tila pagpasa ng administrasyong Duterte sa pribadong sektor sa responsibilidad na magsagawa ng mass testing gayong daan-daang bilyong pisong pondo ang inilaan para sa kampanya ng gobyerno kontra COVID-19.

“So, anyway, hindi po mass testing ang ginagawa natin, it is expanded targeted testing at wala naman pong bansa sa mundo na lahat ng kanilang mamamayan ay tine-test,” ani Roque.

“So, sa akin po, hindi namin tina-transfer iyong responsibility kasi nga ang katunayan, uulitin ko po, wala namang bansa na tine-test ang lahat ng kanilang mamamayan, hanggang 1-2% po talaga ang tine-test dahil that will give us already a very good picture of the extent of the infection,” paliwanag niya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *