Saturday , November 16 2024

Sa maagap na pagkilos kaysa Palasyo… Guimaras, Dinagat Is., Ormoc City Covid-19 free (Doktor, HR lawyer, at aktor pinuri sa pag-aaral)

HINDI umubra ang bagsik ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga lugar na pinamumunuan ng doktor, human rights lawyer, at isang aktor kahit walang ayuda ang Malacañang.

Tinukoy ni Raymund de Silva, isang Mindanao-based political activist, ang katang-tanging mga lokal na opisyal na sina Guimaras Governor Samuel Gumarin, isang doktor; Dinagat Governor Arlene Bag-ao, isang human rights lawyer, at Ormoc City Mayor Richard Gomez , isang aktor at triathlete.

Sa ikalimang serye ng pag-aaral ni De Silva na may titulong COVID-19: Its Impact on the Philippines para sa Europe Solidaire Sans Frontiers at inilathala sa europe-solidaire.org, nakasaad na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa Guimaras, Dinagat, at Ormoc City dahil sa maagap na pagkilos nina Gumarin, Bag-ao, at Gomez at hindi na hinintay ang kumpas ng national government bago isinagawa ang mga karampatang hakbang para labanan ang pandemya.

“The common denominator of the 3 success stories are that they (officials) have understood the nature of the virus and the nature of pandemic. They did not wait for the national government to make a move before they initiated their actions,” sabi ni De Silva.

Binigyan ng sapat na impormasyon ng mga naturang lider ang mga residente ng kani-kanilang lugar at nagpatupad agad ng lockdown at naghigpit sa kanilang mga hangganan o borders.

Wala aniyang naitalang kaso ng COVID-19 sa Guimaras na isang 4th class island province sa Visayas na may 174,613 population dahil 31 Enero 2020 pa lamang ay isinara na ni Gumarin ang lalawigan sa mga turista.

Ipinagbawal sa Guimaras ang pagpasok ng mga turista mula sa mainland China nang mapaulat na nagsimula ang COVID-19 sa Wuhan at idineklara pa lamang ng World Health Organization (WHO) bilang “international concern.”

“And since tourism is one of the main sources of income of the province, the Provincial Council has timely allocated and distributed food subsidies to the population while preparing the only hospital in the province and building quarantine areas for possible place of infected people. Now the province has zero COVID-19 case,” ulat ni DE Silva.

Habang ang ikalawang success story, ayon kay De Silva, ang lalawigan ng Dinagat na dati ay nasasakop at isang bayan lamang sa Surigao del Norte sa Mindanao na naging probinsiya lamang noong 2006, may populasyon na 127,400 pero walang kaso ng COVID-19.

Ani De Silva, bilang isang human rights lawyer ay nagawa ni Bag-ao noong 4 Pebrero 2020 na ipasara ang pitong pantalan at higpitan nang todo ang main port ng lalawigan, bigyan ng sapat na edukasyon ang mga mamamayan kaugnay sa COVID-19 na may “human rights approach.”

Gaya ng Guimaras, nagkaloob ng ayudang pagkain ang Dinagat mula sa pondo ng kanilang lalawigan.

Kasunod nito, binigyan diin ni De Silva, ang ikatlong success story at kapuri-puri ay ang Ormoc City na dalawang araw matapos ideklara ng WHO ang COVID-19 bilang global pandemic ay isinara ni Gomez ang lahat ng border ng siyudad na kabisera ng Southern Leyte at may populasyong 215,031.

Lahat ng dumarating sa Ormoc City ay isinailalim sa quarantine at upang hindi lumabas ng bahay ang mga residente ay binigyan sila ng pagkain ng lokal na pamahalaan.

“According to the mayor, when they had decided to control the spread of the transmission they immediately bought food supplies, like 65,000 sacks of rice and canned goods. Later, when they understood that COVID-19 is here to stay longer, they bought vegetable seeds and distributed them to the population. Now, people are happy because after almost 2 months of the lockdown, they are beginning to harvest their own vegetables and their city as of this date, remains COVID-19 free.”

Paliwanag ni De Silva, dapat ay sinamantala ng pamahalaan ang katangiang “archipelagic” ng Filipinas bilang depensa kontra COVID-19 kung maagang pinagbawalan ang mga turista, lalo ang galing sa China,na pumasok sa bansa, unang pagkakataon pa lamang na inamin ng Chinese government ang human transmission, ay naiwasan sana ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa noong huling linggo ng Enero 2020.

“More than 50 days after the lockdown and the country is still nowhere near ‘out of the woods’ situation, the country is obviously just managing around the COVID-19 pandemic,” malinaw na pahayag ni De Silva. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *