Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RS Francisco, sinubukan ang online acting via Asawa/Kabit

ISANG makabuluhang Online Play Reading Performance ang inihatid ng Open House Fundraiser, LovePhilStage, at Egg Theater Company, ang  Asawa/Kabit ni George De Jesus III na pinagbidahan nina Ricci Chan at RS Francisco na tumagal ng isang oras at napanood sa FB Page ng PhilStage.

Istorya ng dalawang babae na labis na na-inlove sa iisang lalaki ang istorya ng Asawa/Kabit . Ginampanan ni Direk RS ang role ni Via, ang tunay na asawa ni Miguel, habang ginampanan naman ni Ricci ang role ni Vanessa, ang kabit ni Miguel  na parehong palaban sa pag ibig at wala ni isa man sa kanila ang gustong magpaubaya at iwan ang lalaking pareho nilang minahal.

Maganda ang pagkakaganap nina Direk RS at Ricci sa kani-kanilang role, bongga ang batuhan ng kanilang linya at mahusay ang pagkakahabi ng mga linya at istorya at kaabang-abang ang ending.

Kuwento ni Direk RS, hesitant siya na tanggapin ang online play nang ialok sa kanya dahil mas sanay siyang umarte sa telebisyon at teatro na mas malalaki ang movements at first time kasi itong online acting via zoom. Pero napa-oo na rin siya at gusto rin niyang i-try.

Pero bilang first try ni Direk RS sa online acting, pasado ito at nabigyan  ng buong husay ang pagganap bilang si Via.

Ang online play na Asawa/Kabit ay isang paraan ng Open House Fundraiser, LovePhilStage, at Egg Theater Company para makalikom ng pera para sa mga artist at workers na nawalan ng trabaho dahil sa Covid- 19.

 

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …