Friday , April 25 2025

Pangho-hostage ng PhilHealth sa OFWs ‘pinatid’ ng Malacañang (Bayad muna bago OEC )

PINAYAPA ng Malacañang ang lumalakas na reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) hinggil sa tila pangho-hostage ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa kanilang hanay, matapos sabihing ibibigay sa kanila ang overseas employment certificate (OEC) bago umalis ng bansa kahit hindi magbayad ng PhilHealth premiums.

Sa Malacañang virtual press briefing kahapon, inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing boluntaryo ang pagbabayad ng OFWs ng PhilHealth premiums.

“Inatasan na po ng Presidente ang POEA at OWWA na huwag gawing requirement ang pagbabayad ng PhilHealth para makuha iyong Overseas Employment Certificate (OEC). So, hindi na po kayo ‘hostage,’” sabi ni Roque.

Nauna rito, umani ng matinding pagbatikos ang administrasyong Duterte mula sa iba’t ibang politiko at migrant workers groups sa  pahayag ng PhilHealth na kailangan magbayad ng 3% ng kanilang buwanang sahod ang OFW bago maisyuhan ng OEC ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni Roque, sinuspende ng Department of Health ang Item 10.2.C ng implementing rules and regulation ng Universal Healthcare (UHC) na nagpapataw ng mas mataas na kontribusyon habang nanatili ang pandemyang coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Samantala, nanawagan si Roque sa bagong liderato ng PhilHealth na pag-aralan ang mga reklamo kaugnay sa ‘ghost patients’ at ‘ghost dialysis’ na nakabinbin sa Ombudsman.

Kaugnay sa report na nagtamasa ng mahigit isang bilyong benepisyo at bonus ang mga dating opisyal ng PhilHelath, iginiit ni Roque na zero tolerance si Pangulong Duterte sa korupsiyon. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *