Saturday , November 23 2024

Pupil ko, mahal ko sa Pasay (Lingap mag-aaral ng RVES)

UMABOT sa 172 maralitang mag-aaral ng Rivera Village Elementary School (RVES) ang binigyan ng relief goods ng mga guro bilang ayuda dahil sa nararanasang krisis sa bansa, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ayon kay Joffrey Quinsayas, Pangulo ng RVES faculty club, dahil sa matinding krisis na kinahaharap dulot ng COVID-19 pandemic ay maraming nawalan ng trabaho na lubhang naapektohan dito ang mga magulang ng mga mag-aaral lalo’t ang iba ay nasa hanay ng maralitang nakatira sa lungsod ng Pasay.

Bilang Pangulo ng RVES faculty club, pinulong ni Quinsayas ang mga guro na tulungan ang mahihirap nilang estudyante na nakatira sa iba’t ibang barangay para mamigay ng relief goods upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Pangalawang beses na nilang binigyan ng ayuda ang ilang mahihirap na estudyante mula kinder hanggang grade 6 na umabot sa 172 mag-aaral na sinuportahan naman ng kanilang principal na si Alicia Monton.

Ang RVES na mayroong mahigit 1,600 mag-aaral ang nag-iisang pampublikong paaralan na hindi kalayuan sa Ninoy Aquino International  Airport ( NAIA ) terminal 1 at 2 sa lungsod ng Pasay.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *