Thursday , April 24 2025

P35-M para sa barko ng 2go ni Dennis Uy ‘di na tatanggapin

INATASAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang Department of Tourism (DOT) na maglaan ng hotel rooms para sa frontliners na lumalaban sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

“Naatasan ng inter-agency ang Tourism department na magbigay ng hotel rooms kung saan puwedeng tumira ang ating health workers, ang ating frontliners. Napakaliit na bagay naman ito na ibibigay natin sa frontliners dahil sa kanilang sakripisyo,”  ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing.

 

Samantala, hindi na tatanggapin ng logistics firm 2Go Group, Inc., ang P35-milyong upa ng Department of Transportation (DOTr) para sa paggamit ng dalawa nilang barko bilang quarantine facilities sa mga COVID-19 patients.

 

“To set the record straight, actual cost to operate the two vessels as quarantine facilities is at P260 million. But this was intended to be a donation. The P35 million was an offer made by the DOTr, for which we had no plans of accepting,” pahayag ni 2Go Chairman Dennis Uy sa isang kalatas kamakalawa ng gabi. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *