Friday , April 25 2025

P10-M pabuya para sa Pinoy na makatutuklas ng bakuna vs COVID-19

BIBIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P10 milyong pabuya ang sinomang Filipino na makatutuklas ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).

 

Inianunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon sa virtual press briefing sa Palasyo.

 

“Sisimulan ko po sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa ilang mga punto na nais iparating sa inyo ng Pangulo. Unang-una dahil Public Enemy Number 1 nga po itong COVID-19 ‘di lang dito sa Filipinas kundi sa buong mundo, inianunsiyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya ng hanggang P10 million sa kahit sinong Filipino na makadidiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” ani Roque.

 

Mgbibigay rin aniya ng malaking halaga ang Pangulo sa University of the Philippines (UP) at UP-Philippine General Hospital upang maka-develop ng bakuna kontra COVID-19.

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na tatanggalin niya ang ECQ kapag may mabibili nang gamot o bakuna laban sa COVID-19.

 

May dalawang pharmaceutical companies ang aniya’y gumagawa ng lunas sa COVID-19 at posibleng ipagbili na ito sa susunod na buwan.

 

Tiniyak ng Pangulo na nakahanda ang Filipinas na pumila sa mga bansang nais subukan ang Avigan (Favipiravir), isang Japanese anti-viral drug, bilang lunas sa COVID-19. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *