NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “second wave” ng mga kaso ng COVID-19 kapag hindi naipatutupad ang social distancing alinsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang bahagi ng bansa.
“Itong epidemic or pandemic, hindi ito natapos na sabihin mo ‘yung nasa ospital, ‘yung ginagamot ngayon, ‘yun ‘yung first wave. May second wave ito,” aniya sa briefing kamakalawa ng gabi.
“‘Yan ang ibig sabihin kung bakit (dapat) dapat i-maintain ninyo ang social distancing rule,” aniya.
Dahil dito, muling nagbanta ang Pangulo na aarestohin ang alkalde na hindi nagpapatuapd ng social dsitancing sa kanilang lugar.
“Kayong mga mayors, ‘wag kayong maglaro. Kasi kung ayaw ninyo mag-social distancing, mapipilitan ako na puntahan kita at arestohin kita,” sabi ng Pngulo.
“Ang batas ng DOH, as implemented by [Defense Secretary Delfin] Lorenzana, [Interior Secretary Eduardo] Año, [Presidential Peace Adviser Carlito] Galvez, sila, ayan ‘yung batas ngayon. ‘Yung sarili mong paniwala, itago mo lang ‘yan,” giit niya.
Pinaalalahanan ng Pangulo ang mga opisyal ng barangay na tungkulin nila na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan nang pagtukoy sa tunay na dahilan ng pagpanaw ng residente.
“It behooves upon the barangay captain to see to it that kung sino ‘yung namatay, siguradohin lang pagsabi, heart attack. Kasi kung walang pinagsasabi then testing kaagad,” aniya.
“Kung malaman ko na namatay sa corona, kunin ko ‘yung patay at sa gusto ninyo at hindi, magagalit kayo sa akin, wala na rin akong magawa, trabaho ko ‘yan, dalhin ko ‘yan doon sa crematory, sunugin ko.” (ROSE NOVENARIO)