MATAGUMPAY ang idinaos na online concert ng Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Derrick Monasterio noong Linggo! Live na nang-harana ang dalawa para makalikom ng donasyon para sa Covid-19 frontliners sa Healing Hearts session ng GMA Artist Center.
Mainit na tinanggap ng viewers sa social media ang patikim ni Jeric sa kanyang bagong single na Line to Heaven at sa madamdaming pagkanta ni Derrick ng mga Broadway at Opera hits.
Ayon kay Jeric, masaya siyang ibahagi ang kanta, “So, I’m proud na i-share ‘yun sa kanila, na may bago akong single and ‘yung nga, roon pa sa ‘Healing Hearts’ para makatulong sa mga kababayan natin.”
Dagdag naman ni Derrick, kahit na nabigla siya sa mga request ng fans, nag-enjoy naman siya,
“Kasi usually ang ginagawa ko ‘pag nagko-cover ako ina-adjust ko ‘yung pitch eh. So, ‘pag may request, ‘pag live mong gagawin, minus one, minsan mataas.
“So minsan mid-song babati ka muna.”
Isinasagawa ng GMA ang Healing Hearts bilang online benefit concert upang makalikom ng donasyon ang Kapuso Foundation para sa mga kababayang apektado ng Covid-19 crisis.
Rated R
ni Rommel Gonzales