Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luxury For A Cause ng Beautederm CEO na si Rhea Tan, maraming natutulungan

MINSAN pang nagpakita ng generosity at kabaitan ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Tan nang nagpa-auction siya ng branded items para i-donate sa charity at patuloy na mamahagi pa ng tulong sa marami.

Last April 4 ay nagpa-auction siya ng iba’t ibang branded items na ang ilan ay brand new pa. Mula rito ay maraming nabigyan ng ayuda lalo na sa frontliners.

Kabilang sa pina-auction ng masipag na misis ni Sir Sam Tan ang mamahaling alahas, rolex watch, signature bags, shoes, sun glasses, perfumes, dresses, at marami pang iba.

Last April 7 naman ay ito ang post ni Ms. Rhea sa kanyang FB:
Magandang hapon po!!!
Packing your paid items na!!!
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbid!!
Naiabot kona po sa iba ang payment nyo,
Also namimili na din ang aming team ng pangrelief natin,
Nagkakalkal pa po ako ng mga gamit ko para meron pa ko ipabid ehehe! Superr good deal po lahat at sure ako na magugustuhan po ninyo 😁😁😁😍😘😘
All of the collection proceeds , as in 100 % from this auction will proceed to some of my chosen charities and homeless communities.
Kaya salamat po !! Sharing this to inspire others , na kahit malaki man o maliit ay pwede tayong makatulong sa ting mga kapatid .
Let us all say #YestoLove please…
#ContriBeauT po tayo . No one has ever become poor by giving.
God bless us all! And Yes, this too shall pass. Amen 🙏🏼🙏🏼🙏🏼Sa mga nagbid po at bayad na, dito na po napunta iba 🙂 pinambili natin bigas ❤❤🙏🏼 Salamat po!!
Kabilang sa ipinamigay nina Ms. Rhea mula sa proceeds ng auction niya ay faceshields, n95 masks, bigas, canned goods, cooked meals, alcohol, at iba pa.

Actually, bago pa man nagpa-auction si Ms. Rhea ng kanyang mga mamahaling gamit ay tumutulong na siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang pangangailangan ng frontliners na definitely ay mga bagong bayani sa crisis na nangyayari ngayon.

Sa second auction naman niya ng Luxury For A Cause, nakabili na sina Ms. Rhea ng first batch ng ayuda ng 400 pcs. ng PPE surgical gowns.

Dahil sa kabaitan ni Ms. Rhea, di nakapagtatakang pati mga kasama sa BeauteDerm family ay nahawa na sa kanya at gumagawa ng kani-kanilang sariling ayuda para makatulong sa mga nangangailangan.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …