Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benjamin Alves, may tips kung paano maiiwasan ang COVID-19

ISA si Kapuso hunk actor at Owe My Love star Benjamin Alves sa mga aktibong nagbabahagi ng kaalaman ukol sa lumalaganap ngayong sakit na COVID-19.

Sa kanyang Instagram post, nag-share si Benjamin ng ilan sa mga epektibong paraan kung paano maiiwasang madapuan ng naturang sakit.

“Hinihikayat po ng Department of Health ang lahat ng pasyente na i-disclose po ang lahat ng impormasyon sa ating healthworkers. Ang tapat na sagot na ibibigay po ninyo ay makakapagligtas din po sa inyong buhay, sa healthworkers, sa ibang frontliners, at sa iba pang pasiyente na kailangan po ng tulong natin,” ani ni Benjamin.

Hinangaan naman ng mga netizen ang mga Kapuso stars na patuloy na nagpapaabot ng kani-kanilang tulong sa mga apektado ng krisis ngayon kahit sa simpleng paraan lamang.

Pabiro namang komento ng isang netizen sa post ni Benjamin, “Thank you for boosting our confidence. Kung ganito ba naman ang makikita ko sa area namin lagi, ewan ko na lang kung sa virus o sayo ako magpapanic.”

Samantala, muling magbabalik-telebisyon si Benjamin kasama si Lovi Poe sa pagbibidahan nilang romance-comedy serye na Owe My Love ng GMA Public Affairs.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …