Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine iniwan, isinumbong sa amang si Ramon Christopher

IDINAAN ni Janine Gutierrez sa kanyang Twitter account ang nakaloloka at nakatatawang kuwento ukol sa pang-iiwan sa kanya, hindi ni Rayver Cruz, kundi ng kanyang driver kamakailan.

Ayon sa kuwento ng Kapuso actress, matapos niyang manggaling sa isang event sa Makati ay pumunta siya sa kanyang nakaparadang kotse na naroon ang kanyang driver.

Inilagay ni Janine sa likurang upuan ang kanyang telepono at kinuha  ang wallet at saka tumawid sa kabilang kalye para mag-withdraw.

Pagbalik ni Janine sa kanyang sasakyan, laking-gulat niya dahil wala na ang kanyang kotse.

Umalis na pala ang kanyang driver sa pag-aakalang sumakay na ang aktres sa sasakyan.

Dahil hindi kabisado ni Janine ang cellphone number ng kanyang driver na si JR, ang ama ni Janine na si Ramon Christopher ang itinext niya para ipaalam ang nakatatawang naganap.

Narito ang kabuuan ng tweet ni Janine, “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po.

“Naki-text ako kay manong, hindi ko memorize num ni kuya kaya si Papa tinext ko.

“After maloka ni papa at natatawa, tinawagan niya si Kuya.

“Papa: ‘Nasaan si Janine?’

“Kuya JR: ‘Andito po.’

“Papa: ‘Wala diyan si Janine! [two face with tears of joy emojis]’

“Kuya JR: ‘Hala wala nga po!!! Nasaan po siya???’

“THE END”

Nakauwi naman ng maayos si Janine dahil binalikan siya kaagad ng kanyang driver.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …