Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iniwan na ang vlogger/girlfriend!

NILISAN na pala ng vlogger at ex-live in partner ni Joem Bascon na si Crisha Uy ang dati nilang lovenest.

“You get rid of the things na nakapagpapaalala sa kanya, kasi it;s not helping, e,” Crish lamented on her vlog.

Lahat raw ng ibinigay ni Joem sa kanya ay iniwan na niya.

“Example, may damit ako na isinuot, ‘Ito ‘yung first na damit na isinuot ko no’ng nakilala siya…’ May mga gano’n ako. Iniwan ko lahat ‘yun. Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naalala mo lang siya, iiwan mo na ‘yun,” she further intoned.

Inaamin pa niya na nakatulong daw nang husto ang dasal, suporta ng pamilya at mga kaibigan niya, at pagluha para makaahon sa sakit at lungkot.

“When acceptance comes, huwag ka na umasa na bumalik siya. And kailangan mo tanggapin na wala na talaga.”

Kaya raw niyang kumain sa resto na rati nilang pinupuntahan pero mas gusto raw niyang gumawa ng bagong memories without her ex.

Alam naman daw niyang happy na si Joem sa piling ng dati rin niyang “ex” na si Meryll Soriano.

Sa huli sinabi ni Crisha na ang “constants” sa buhay ay pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos at pagmamahal ng mga pamilya at kaibigan.

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …