Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SAKSI sa imbentaryo sina kagawad Orlando Tolentino ng Barangay Caduang Tete, Jericho Gaviola ng DOJ at ilang taga-media nang masakote ng mga tauhan ni P/Maj. Michael Chavez, hepe ng Macabebe Police, ang 10 hinihinalang mga tulak, kabilang ang mag-asawang sina Jerome Gopez, alyas Labyok, at Roxanne Gopez alyas Kulot, kapwa residente sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga; Orlando Aquino, Marnell Canlas, Antonio Villegas, Joshua Bondoc, Joseph Richard, Mark Anthony Manalili, Connie Hagoat, at Ada Magdamit, makaraan ang isinagawang buy bust operation sa pangunguna nina P/SMSgt. Marcial Dan-Uya sa magkakahiwalay ng lugar sa bayan ng Macabebe, Pampanga. (Kuha ni LEONY AREVALO)

Karo ng patay gamit sa pagtutulak ng ‘bato’… Mag-asawa, 8 tulak tiklo

ARESTADO ang 10 hini­hinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang na ang mag-asawa na ginagamit ang karo ng patay sa pag­de­deliber ng shabu, sa pinatinding Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) PNP sa ikinasang buy bust operation ng Macabebe Police Anti-Drugs Special Operation Unit, sa magkakahiwalay na lugar sa  bayan ng Macabebe, sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Michael Chavez, hepe ng Macabebe Police, sa tang­gapan ni P/Col. Jean Fajardo, Pampanga Pro­vincial Police director, matagal na nilang mina­man­manan ang mag-asawang suspek na kini­lalang sina Jerome Gopez, alyas La­byok, 27 anyos; at Roxanne Gopez, alyas Kulot, 26, anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Panipuan, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan.

Nasamsam ni P/SSgt. Jose Rebino Galwa at P/Cpl. Jeffrey Loyola ang ilang pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa loob ng karo na kulay puting Hyundai Starex, may plakang PJI 591.

Kinilala rin ang walong nadakip na tulak na pawang nasa drug watchlist ng pulisya na sina Orlando Aguino, alyas Isi; Marnell Canlas, Antonio Vellegas, Joshua Bondoc, Joseph Richard, Mark Anthony Manalili, Connie Hagoat, at Ada Magdamit, sa ikinasa nilang buy bust operation sa mga lugar na nakabili ng shabu ang nagpanggap na poseur buyer na sina P/SMSgt. Marcial Dan-Uya, P/Cpl. Ericson Maymaya, at P/Cpl. Elmer Dumannop.

Nakatakdang sampahan ng mga awtoridad ng kasong paglabag sa  RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nadakip na suspek.

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …