Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shammah Alegado itinanghal na grand winner sa “Hype Kang Bata Ka”

Sina Ray-Ray ng Cabuyao Laguna, Princess Cañete of Antipolo City, Icon Martin ng Bulakan, Bulacan, ang itinanghal na Grand winner mula Zambales na si Shammah Alegado, ang naglaban noong Sabado sa Grand finals ng “Hype Kang Bata Ka.”

Nagpakitang gilas ang apat sa kani-kanilang mga talento pero ang higit na nag-standout sa kanyang Michael Jackson number gamit ang kanyang talento sa husay sa pagtugtog ng violin ay si Shammah.

Naka-score ng 93% ang nasabing winner mula sa mga judges na sina Ice Seguerra, Gen Manager ng Center For Pop na si John Jesus Manuel, at Direk Manman Agsico na Resident Vocal Coach ng Philippine Theater.

Tumataginting na P100K ang naiuwing cash prize ni Shammah at P20K naman para sa First Runner-Up na si Princess. Pinuri rin ni Ice ang mga nasabing grand finalists, “Grabe ang level up ng mga bata ngayon. May nagba- violin, mga bulilit ibang klaseng sumayaw, wonderful singer na napakalinis ng boses and of course acrobatic ba ‘yon, nakaka-wow talaga.”

Ang “Hype Kang Bata Ka” grand finals ay inihatid ng Aji Savor on Rice at Birch Tree Fortified Choco.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …