Monday , December 23 2024

Kapalit ng VFA… ‘Inilulutong’ military pact walang basbas ni Duterte

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nilulutong military pact sa pagitan ng estados Unidos at Filipinas kapalit ng Visiting Forces Agree­ment (VFA).

Sinabi ni Presidential Spokesman, ayaw ni Pangulong Duterte na mag­karoon ng bagong alyan­sang militar ang Filipinas sa Amerika.

Tugon ito ng Palasyo sa ulat na inihayag ni Philippine Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez na may ikina­kasang kasunduan kapalit ng VFA.

Ayon kay Panelo, maa­a­ring ang counterpart ni Romualdez ang gumawa ng hakbang para mag­ka­roon ng bagong kasun­duan ang Filipinas at Amerika.

Hindi kasi aniya maikakaila na ang Amerika ang pinaka-apektado sa ginawang pagbasura ni Pangulong Duterte sa VFA.

Inilinaw ni Panelo, sa ngayon ay rekomen­dasyon pa lang naman kay Duterte ang pag­kakaroon ng bagong kasunduan.

Hindi aniya mababago ang posisyon ni Duterte na maging self reliant ang Filipinas at hindi na umasa sa ibang bansa para ipagtanggol ang sariling bayan.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *