Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, handang pakasalan si Maine Mendoza

NAG-RENEW ng kontrata si Arjo Atayde last week para sa BeauteDerm. Ang bagong ine-endorse ni Arjo sa company ng owner at CEO nitong si Ms. Rhea Tan ay ang Spruce & Dash Collection.

Kabilang sa ine-endorse ng binata ni Ms. Sylvia Sanchez ang Beautederm’s Brawn Anti-Perspirant White Spray na puwede sa underarms and feet at pinatunayan ni Arjo kung gaano ka-effective ang Spruce & Dash Collection.

“I’ve been using Brawn Spray last year pa and kapag kunwari taping or maggi-gym ako, i-spray ko siya sa feet-pag-uwi mo normally di ba kapag pinawisan, normally may amoy? Of course you can’t avoid that, but if you spray this (Brawn), I guarantee you, when you get home, there’s no smell. You’ll be surprised, it actually really works!” Saad ni Arjo.

Natanong pa siya kung may gustong ipaamoy sa GF na si Maine Mendoza, kili-kili ba or paa? “Kili-kili,” nakatawang sambit ni Arjo.

So, confident siya na kapag inamoy ni Maine ang kanyang kili-kili, walang foul smell na maaamoy sa kanya? “Ay opo, I’m very confident po,” ani pa ni Arjo.

Nabanggit pa ni Arjo na ang Beau Charcoal Soap ay napaka-effective lalo na sa kanya. “Iyong scent niya, mabango for the face, maganda siya sa face. And me, kasi personally-alam ito ni Tita Rei (Rhea), my face talaga, kapag nagme-make-up, nagbe-break-out talaga ako… So, this takes me to my daily… to my skin, to make sure na I’m ready for the next day talaga,” kuwento pa ng mahusay na aktor.

Inusisa rin siya kung seryoso na ba talaga sa mga plano nila ni Maine?  Esplika ni Arjo, “Were talking about it naman, like, were not wasting each other’s time naman.  But I’d rather not talk about when and you know, when we’re actually planning on doing it, when it’s about to happen, I’d rather keep it to myself.”

Napi-feel ba niya na si Maine na talaga ang the one? “Opo, yes po, siya na talaga.”

Pero may plano na ba silang magpakasal ni Maine? “Personal po iyan, pero basta. This is my love story, iyon na lang po iyon,” anang aktor na napapanood ngayon sa mini-series na 24/7 ng ABS-CBN kasama si Julia Montes.

Okay din daw siya sa family ni Maine, close sila at nagmamano na siya sa parents ng dalaga. “Okay naman po, sobrang mabait po ng family niya. Very welcoming din po and very protective rin po as well. I love them. Very mabait po sila, wala po akong masabi. Gayondin po mga kapatid niya, they’re very kind to me, very kind.”

Sa panig naman ni Ms. Rhea, inusisa namin siya kung ano ang masasabi kay Arjo? “Two years na po siya sa Beautederm, pang-third year na and happy po ako sa pagiging part niya ng BeauteDerm family. Si Arjo, bata na akala mo mukhang coño, di ba? Pero sa personal ang daldal na bata, si Arjo kasi, napakatalinong tao na kapag kausap mo, parang ayaw na namin maghiwalay,” masayang saad pa ng lady boss ng Beautederm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …