Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia at Joey, nagtatawanan muna, bago mag-iyakan

PUNOMPUNO ng iyakan ang eksena ng Pamilya Ko last week kaya hindi ko ma-imagine ang ikinukuwento ni Sylvia Sanchez na nakaka-take 7 or 8 sila sa isang matinding eksena (ito ‘yung may iyakan ha) dahil sa grabeng tawanan. Paano hindi halatang bago ang mga iyakang scene eh nagtatawanan muna sila.

Pagsi-share ni Ibyang (tawag kay Sylvia), tumatagal ang kanilang taping dahil halos lahat sila’y si bungisngis lalo na silang dalawa ni Joey Marquez.

“May eksena ‘yung nasa lamesa kami sa kainan, ‘yung nag-aalala ako sa mga anak ko dahil nga kay Loida (Irma Adlawan), andoo na ‘yung maiiyak na ako, pero pagtingin ko kay Joey talagang hindi ko maiwasang hindi matawa. May tingin kasi si Joey na talagang nakakatawa,” natatawang kuwento ni Ibyang.

“Eh luko-luko rin ‘yung mga anak ko sa ‘Pamilya Ko’ kaya riot talaga lagi ang taping namin,” sambit pa ni Sylvia.

At habang kausap namin ang aktres natanong ko kung bakit pinatay si Betty (Arci Munoz) sa istorya. Aniya, kailangan iyon sa istorya. Abangan ko pa raw ang ilang eksena na grabe ang mangyayari dahil tiyak na lalo akong ngangawa.

Hmp, sabi ko kay Ibyang, nakakaloka sila lalo na ang writer ng Pamilya Ko dahil grabe magpaiyak ng viewers. Parang sadista sa pagpapa-iyak ng viewers ha ha ha.

Eniway, mas matindi ang mapapanood this week lalo’t nakalaya na si Loida kapalit ng iniaalok nitong P5-M para makalaya siya. Nangailangan ng P2-M ang pamilya Mabunga dahil sa pagkakabaril at pagka-aksidente ni Chico. Kinagat ni Joey ang matagal nang alok kaya nakalaya si Loida nang hindi nalalaman ni Sylvia.

Tsk tsk tsk, tiyak kong hindi pa rin matatapos ang problema ng pamilya Mabunga lalo’t laya na si Loida. Kawawang Mabunga fam.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …