Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bodyguard ni Sarah Geronimo, nagsumbong kay Raffy Tulfo!

EXPLOSIVE ang exposé ni Jerry Tamara sa segment na “Ipa-Raffy Mo!” ng programang Aksyon ni Raffy Tulfo sa TV5, the other day.

Sang-ayon sa kanya, kahit maghapon raw silang magkasama ng kanyang ward na si Sarah Geronimo ay wala siyang idea sa mga kaganapan na may magaganap na kasalan right after na matapos ang taping nito sa The Voice ng ABS-CBN.

Sang-ayon sa narrative ni Jerry, sinabihan raw siya ni Sarah na mauna na siyang umuwi.

Nag-text raw siya kay Mommy Divine na pinauuna na siya ni Sarah na umuwi.

Aminado naman siyang si Divine Geronimo — o Mommy Divine — ang sa kanya’y nag-hire at nagpapasuweldo bilang bodyguard ng Kapamilya singer.

Sagot raw ni Mommy Divine sa kanya, huwag silang aalis at malapit lang daw siya sa nasabing area.

Hindi naman daw niya nai-relay ang message ni Mommy Divine dahil nagdi-dinner si Sarah sa isang private room kasama si Matteo at ang pamilya nito.

Bandang reception lang daw siya naka­tambay, kasama ang mga bodyguards ni Matteo na nakapuwesto sa exit ng Ministry of Crab restaurant, Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Nang tanungin kung saan raw ba nangyari ang kasal, ‘di niya ito masagot.

Ang pagkakaalam lang daw niya, nagpunta sila ng Victory Church, All Nation doon sa BGC. Nagtaka raw siya kung bakit ini-lockdown ang second floor.

Matapos raw nito, tinext siya ng driver ni Sarah na kasamahan rin niya, tungkol sa text ng singer na pinauuna na sila.

Dito raw nila tinext si Mommy Divine na pinapauna na sila ni Sarah, pero ang sabi raw nito ay huwag silang umalis dahil malapit na siya.

Pagdating ni Mommy Divine sa hotel, sinundo raw ni Jerry sa kanyang sasakyan, tapos sinamahan sa family dinner nina Sarah at Matteo.

Pagdating raw ni Mommy Divine, doon na umano nag-umpisa ang komosyon.

Base sa pagkakakuwento ni Jerry, sinabi raw ni Mommy Divine kina Sarah, Matteo, at sa pamilya Guidicelli na traydor sila at walanghiya at bakit raw siya niloko.

Kasunod raw nito ang pag-uusap nina Mommy Divine at ang kabilang kampo, ngunit mga pangit nang salita ang kanilang naging palitan.

At this point, mga pangit na raw ang salitang binibitawan ng daddy ni Matteo at dumating nga raw sa puntong kamuntik nang masaktan ng daddy ni Matteo si Mommy Divine.

Nag-billout na raw ‘yung mga tao kaya wala namang maraming tao sa private room.

Ipinasara raw niya at this point ang sliding door sa private room para hindi na raw maistorbo ang ibang guests na hindi naman kasali sa usapan.

Dito na raw siya sinapak ni Matteo.

Inilagay raw niya sa kabilang kuwarto si Mommy Divine kasama si Sarah para makapag-usap silang dalawa.

At this juncture, dumating daw si Boss Vic. This time, sina Boss Vic naman daw at si Mommy Divine ang nag-usap.

Si Sarah naman daw kino-comfort ng side ni Matteo.

Umiiyak  raw this time si Sarah.

Nasaan ang tatay ni Sarah na si Delfin Geronimo?

Noong nagkagulo na raw, tinawagan na ni Mommy Divine si Mang Delfin na pumunta na ro’n kasi nagkagulo na.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …