UMABOT sa 11 Europeans at 6 Pinoys ang naaresto at binitbit ng mga awtoridad nang maaktohang nagsusugal sa tinaguriang poker house sa isang condominium sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ni Makati City Police chief, P/Col. Rogelio Simon, ang mga dinakip na suspek na sina Peter Morthcott, 39 anyos, isang Canadian national, residente sa Arya Residences, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City; Coenraad Theodoor Kees, 25, Dutch national, taga-Forbes Woods Heights, BGC; James Donald, 57, Bristish national, residente sa Tower II, Salcedo Park, 121 HV Dela Costa St., Salcedo Village, Makati City; Gautam Nebhwani, 33, Indian-Filipino citizen, ng Amaia 3, Tower 2 Unit 7F, West Service Rd., Parañaque City; Oliver Lewis, 36, British-Filipino citizen, ng 1400 Makati Ave, Makati City; Timotee Grassin, 33, French national, ng 505 Trump Tower Makati City; Caleb Fornari, 31, Bristish national, ng 69 Beacon Tower, Amorsolo St., Makati City; Robert Nordstrom, 42, American national, ng 2011 Livingstone sa Coronado St., Mandaluyong City; Roy Selbach, 30, Dutch national, ng 2265 Mayon St., Sta Ana, Maynila; Andreas Stoem, 25, Dutch national, residente sa Unit 5r, Gateway Garden Ridge, EDSA, Mandaluyong City; Amadeo Brands, 31, Dutch national, ng 2265 Mayon St., Sta. Ana, Maynila;
Ang mga Filipino na na naaresto ay kinlalang sina Anne Monique Javier, 31, dalaga, ng Mayon St., Sta, Ana, Maynila; Dan Martin, 38, binata, ng Unit 1205 Cypress Tower, Taguig City; John Michael Bacolod, 27, ng 236 Salcedo St., Legaspi Village Barangay San Lorenzo, Makati City; Joseph Ruby, 30, binata, ng 3906 South of Market Residences, BGC, Taguig City; Sean Fang, 21, binata, ng 1997 Pedro Gil St., Sta. Ana, Maynila, at Adrian Joseph Brillantes, 23, ng B20 L17 P2, North Olympus Subd., Novaliches, Quezon City.
Sa ulat, sinabing nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Station Investigation Section (SIS) sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Capt. John Patrick Magsalos sa koordinasyon kay Maj. Anthony Bagsik, commander ng Sub-Station 5, sa Unit 501 Cattleya Condominium, Bgy. San Lorenzo sa Makati City, na ikinaaresto ng mga suspek, pasado 11:00 pm.
Sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad kaugnay ng nagaganap na ilegal na sugal na kinasasangkutan ng mga dayuhan sa nabanggit na lugar kaya mabilis na ikinasa ang operasyon.
Aktong nagsusugal ng poker at may nakalatag na malaking pusta ang mga suspek kabilang ang ilang dayuhan nang arestohin sila ng mga pulis.
Nakompiska bilang mga ebidensiya ang isang set na baraha, isang poker table, chips at kabuuang P23,290 halaga ng pusta.
Nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng pulisya at nakatakdang sampahan ng paglabag sa PD 1602 sa Makati Prosecutor’s Office.
ni JAJA GARCIA