UMABOT sa mahigit 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Russia ang nagpamiyembro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa Embahada ng Filipinas sa Moscow.
Inihayag ng Embahada sa Moscow, Russia, nagiyembro ang ating mga kababayang Pinoy na nagta-trabaho sa Russia, kasunod ng outreach program ng Embahada ng Filipinas sa naturang bansa.
Labis na ikinatuwa ni Labor Secretary Silvestre Bello lll ang pagpapamiyembro ng nabanggit na OFWs sa naturang ahensiya at ayon kay Bello makatatanggap ng mga kaukulang benepisyo ang nasabing OFWs kabilang ang mga libreng scholaship ng kanilang mga kaanak sa programa ng gobyerno na educational benefits at insurance gayondin ang iba pang benepisyo na ipinag-kakaloob sa isang regular na miyembro ng OWWA.
(JAJA GARCIA)