Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mrs. Philippines Universe Charo Laude, magiging active ulit sa showbiz

GUSTONG maging active ulit sa showbiz ng aktres at beauty queen na si Charo Laude. Bukod sa itinanghal na Mrs. Universe Philippines 2019 at nagwaging Mrs. Universe Popularity 2019 na ginanap sa Guangzhou, China, napanood siya kamakailan sa ABS CBN TV series na Kadenang Ginto.

Sa pelikula naman, parte si Charo ng casts ng MOAX at Jolly Spirit Squad na parehong tinatampukan ni Joaquin Domagoso.

“Gusto kong mas maging active sa showbiz and at the same time, sa mundo ng pageantry,” sambit ni Charo.

Si Charo ay dating member ng Monday group ng That’s Entertainment ni German Moreno. Siya’y naging Binibining Pilipinas 1998 official candidate at graduate ng kursong Mass Communication sa Centro Escolar University. Bukod sa pagiging endorser, TV and print ad model, siya ay isang masipag na businesswoman.

Kabilang sa mga negosyo niya ang Charmish Nail Spa, Charo Milktea, Porkchon Lechon Belly and BBQ, at part owner ng Simons Supreme.

Gusto raw niyang role ay mga kontrabida. Sino ang peg niya bilang kontrabida?

“Si Cherie Gil, dahil Sharonian ako e, and halos lahat ng movie kasi ni Sharon, madalas kasama si Cherie Gil. Plus siyempre, magaling kasi talagang aktres si Cherie,” aniya.

Nabanggit din niyang violence against women and children ang kanyang adbokasiya sa buhay. “Nakare-relate ako sa advocacy ko, kasi na-experience ko iyan during my younger days. Thankful din naman ako sa experience na iyon, kasi from that, doon tayo naging empowered woman at doon tayo humugot ng lakas at naging inspiration din. Mas naging strong ako, ‘yung determination ko ay sobra, because of that experience,” wika ni Charo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …