Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane, dahilan ng hiwalayang RK at GF?

DAHIL sa pag-amin ni RK Bagatsing na hiwalay na sila ng non-showbiz girlfriend niya ay si Jane Oineza na leading lady niya sa pelikulang Us Again ang itinuturong dahilan.

Sa nakaraang mediacon ng pelikulang produce ng Regal Entertainment ay nabanggit ni RK na hiwalay na sila ng girlfriend at wala siyang nililigawan.  Gusto muna niyang mag-focus sa career.

Hindi ito masyadong napag-usapan dahil ayaw ng aktor na magamit ang break-up nila sa promo ng Us Again at bilang respeto na rin kay Jane na single rin ngayon.

Pero sa guesting ni RK sa Tonight with Boy Abunda ay hindi niya nagawang iwasan ang tanong at muling inulit na si Jane ang dahilan ng split-up.

Ang kuwento ng aktor, “As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be.”

Sa kabilang banda ay hindi alam ni Jane na siya ang dahilan kaya nahiwalay si RK sa girlfriend nito kaya good thing na nilinaw ito ng leading man niya.

Sa trailer ng Us Again ay bagay ang dalawang bida kaya isa kami sa nakikitukso sa kanila ni Jane pagkatapos ng mediacon at natatawa lang sila dahil hindi naman nila isinasara ang pintuan nila pagdating ng araw, pero sa ngayon ay super friends sila at maganda ang samahan nila.

Kapag parehong single ay hindi ba sila nadadala sa mga maiinit nilang eksena sa pelikula?  Ngiti lang ang sagot ng dalawa.

Anyway, abangan ang Us Again sa Pebrero 26 sa mga sinehan nationwide mula sa direksiyon ni Joy Aquino handog ng Regal Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …