Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane, inalagaan ni Rk sa kanilang lovescene

NILINAW ni Jane Oineza na hindi sila naging magdyowa ni Joshua Garcia sa kabila ng pagli-link sa kanila noon habang nasa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Hindi po naging kami. Hindi rin naman po natuloy ‘yung from inside the (PBB) house outside. Paglabas din wala,” sambit ni Jane sa grand launch ng Us Again mula Regal Films at mapapanood sa February 26.

Natanong si Jane kung ok sa kanya na makatrabaho si Joshua at mabilis naman itong nagsabing walang problema sa kanya.

Samantala, matapos purihin ang akting ni Jane sa mga pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love at Finding You last year, muli na naman siyang bibida sa isang hugot movie, ang Us Again katambal si RK Bagatsing.

Natanong sina Jane at RK kung may pagsisisi ba sila sa kanilang failed relationships.

Wala po akong pinagsisisihan kasi lahat ng iyon ay reason kung sino at ano ako ngayon,” ani Jane.

Sinabi naman ni RK, “Regardless gaano kahirap ‘yung sitwasyon, it’s better to talk about it rather than go days without saying a word.”

Continuously learning from past experiences para kapag nalagay ka sa parehong sitwasyon next time, you already have an idea how to better deal with it.”

Sa pelikula’y may love scenes sina Jane at RK at hindi naman sila nagkailangan. Pinaghandaan lang nila kapwa mabuti ang naturang eksena.

Ani RK, “Aside from brushing my teeth, we had an in-depth discussion with Direk Joy how the scene would go, where the characters came from, and saan pupunta ‘yung kuwento after.”

Wala naman pong preparation. Hahaha. It’s part of our job as actors,” natatawang sagot naman ni Jane.

Sinabi pa ni Jane na, “Hindi po. Comfortable naman po ako with RK.”

Hindi naman. At the end of the day, you have a job to do and a story to tell. It’s my responsibility to make my scene partner feel safe in every scene that we do,” sagot pa ni RK.

Mapapanood na ang Us Again sa Feb. 26 na idinirehe ni Joy Aquino. Kasama rin sa pelika sina Bidaman winner Jin Macapagal, Sarah Edwards, Eda Nolan, Miko Gallardo, Clara Del Rosario, Minnie Nato, Veronica Reyes at Phiona Raymundo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …