Monday , December 23 2024

70k no read, no write sa Bicol pinalagan ni EdSec. Briones

UMALMA si Education Secretary Leonor Briones sa ulat na 70,000 batang estu­dyante sa Bicol region ang hindi maru­nong magbasa ng English at Filipino.

Sa press briefing sa Palasyo, tinawag ni Briones na eksaherado ang nasabing ulat at hindi tama na sabihing ‘no read, no write’ ang mga estudyante sa elementarya sa Bicol.

Pinaghalo kasi aniya ang bilang ng mga estu­dyante na nahihirapang magbasa ng Filipino at English kung kaya lumobo ang numero.

Malaking insulto aniya ito sa mga Bicolano lalo’t isa sa kanilang paaralan ang nakakuha ng mataas na rating sa Philippine Informal Reading Inventory reading o Phil-Ri.

Maaari aniyang may­roong mga estudyante ang nahihirapang maka­basa ngunit hindi lubos na nakaiintindi ng kanilang binabasa.

Dahil dito kaklarohin aniya ng DepEd ang naturang datos.

Base sa pag-aaral ng Phil-Ri na isinagawa noong Hulyo at Agosto 2019, lumalabas na 70 percent ng mga batang estudyante ang hindi nakababasa.

Aabot sa mahigit 18,000 estudyante sa grade 3 hanggang grade 6 ang hindi marunong magbasa habang ang natitira ay nasa grade 1 hanggang grade 2.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *