HUMAHATAW ngayon ang BidaMan finalist ng It’s Showtime na si Miko Gallardo. Si Miko ay co-managed ng ABS-CBN at ng Mannix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International.
Siya ang lead actor sa Kuwentong Jollibee Valentine Series 2020 commercial na pinamagatang #CoupleGoals at ito ay papunta na sa 30 million views. Ito ay istorya ng picture-perfect couple na nagpapakita ng reality of a relationship behind every social media post, #trueloveconquersall for a Valentine’s Day special.
Aminado si Miko na dream come true ito sa kanya. “This is a dream come true to have a commercial with Jollibee,” aniya.
Si Miko ay introducing sa pelikulang Us Again ng Regal Entertainment, Inc. Ang Jane Oineza-RK Bagatsing starrer ang unang pelikula ng 21-year-old newbie actor, at ito’y showing na sa February 26. Nakatakda rin gumawa ng horror movie si Miko sa Regal Entertainment Inc., na pamamahalaan ni Direk Chito Roño.
Ano ang changes sa career niya mula nang mapasama sa Top 12 ng BidaMan at ngayong nasa pangangalaga siya nina Mannix Carancho at Amanda Salas?
Saad niya, “Ayun nga po, without them, ‘di naman po ako mapapasok sa BidaMan. Sila po ‘yung talagang naka-discover sa akin and sila ‘yung kumuha sa akin para maging talent nila, before pa ‘yung Showtime. Sila po nag-push sa akin, kaya kung walang Prestige, siguro ‘di ako makapapasok sa Showtime. Kaya sobrang pasasalamat ko po talaga sa kanila.”
Nabanggit din ni Miko na wish niyang makasali sa isang TV series this year. “So, sa 2020, of course ita-try ko pong makapasok sa teleserye, dream ko po iyon since bata. Level up sa craft, pagsasayaw, pagkanta… Improve lang nang improve, ‘di lang sa 2020, hanggang sa kaya, hanggang sa kayang lumaban.”
Anong klaseng TV Series ang gusto niya, drama, rom-com, action, comedy? “Lahat! Hahaha! Lahat, ita-try ko. If kaya, why not?” Nakangiting saad ni Miko.
Sino ang mga gusto niyang makatrabahong artista at bakit?
“Sina Jake Cuenca, Coco Martin, Gerald Anderson… Noong bata po ako, noong nasa Grade 4 or Grade 3, napapanood ko po sila all the time. Isang teleserye na gustong-gusto ko talaga ay ‘yung Tayong Dalawa… ‘di ako makakatulog until mapanood ko ‘yun. Minsan gumagawa ako ng mga homework, habang nanonood.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio