Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rita Daniela sa body positivity — Galing mas mahalaga kaysa timbang

ADBOKASIYA ni Rita Daniela ang Body Positivity.

“Kasi ang body positivity hindi lang naman ‘yan for the bigger side eh, siyempre roon din tayo sa smaller side, iba rin siyempre gusto nila na sana nagkakalaman sila pero kahit anong kain ang gawin nila hindi sila lumalalaki.

“Kasi para po sa akin tanggap natin lalo na sa Pilipinas, parang kahit gaano ka kagaling, hindi ka agad napapansin dahil sa timbang mo, ‘di ba?

“Kasi iisipin nila, ‘Eh ang taba mo eh.’ Eh ang liit mo eh, kulang ka sa…’

“Pero iyon po kaya rin po ipini-present ko itong sarili ko, kapag lalo akong mas imperfect lalo ko iyong ipe-present kasi living testimony ako ni Lord na hindi dapat maging hadlang ‘yung timbang!

“Kung gusto mong ipakita sa mundo kung gaano ka kagaling, ipakita mo iyon.

“Hindi dapat maging hadlang ‘yung timbang mo.

“Kasi ‘yung galing mo, hindi iyon makukuha ng iba pero kung magpapapayat ka, madali, eh! Kung gusto mong magkalaman, madali, pero ‘yung talento na mayroon ka, hindi ‘yun makukuha ng iba.”

Aminado naman si Rita na sa TV ay kailangang payat ang isang artista, aminado rin si Rita na medyo malaman at healthy ang korte ng katawan niya at lalo siyang lumalaki sa harap ng kamera.

Sinubukan naman niyang magpapayat.

“Kaya ayun, na-over fatigue. Kasi sinubukan pero wala, siguro iyon ‘yung ano ng katawan ko talaga, eh. Parang iyon nga, pumalya lang ng kaunti sa tulog, at pahinga at siyempre sa pagkain din.”

At dahil dito ay naospital si Rita kamakailan.

“Ang weird nga eh, kasi noong nasa ospital ako, wala silang ibang ginawa kundi pakainin ako! Tapos pagkatapos biglang pumayat daw ako. Ang weird!

“Siguro baka iyon ‘yung ano talaga ng katawan ko.”

Kahit medyo malusog ay proud si Rita sa kanyang katawan, madalas siyang mag-post ng litrato niya ng naka-swimsuit sa kanyang Instagram account.

Speaking of Rita, tiyak na kagigiliwan ng netizens ang episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Napakarami na kasi ngayon ang dog-lovers, kaya naman pasok na pasok at swak na swak sa kagustuhan ng viewers ang My Hero Dog episode ng Magpakailanman.

Tampok sina Rita at Kristoffer Martin, hahaplos sa puso ng sinuman ang napaka-espesyal na kuwento na ito ng tao at ng itinuturing natin na “man’s best friend.”

Bukod dito, mapapanood natin ang bonggang onscreen chemistry nina Rita at Kristoffer.

Kaya tutukan ang Magpakailanman (#MPKMyHeroDog) this Saturday, only in GMA!

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …