Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dessa at Hajji, tampok sa Powerhouse Valentine concert ngayong Feb. 14

TATAMPUKAN nina Dessa at Hajji Alejandro ang isang special na concert ngayong gabi, February 14 titled Powerhouse Valentine. Gaganapin ito sa Monet Ballroom, Novotel Manila, Araneta City.

Directed by Calvin Neria, makaka­sama rito nina Hajji at Dessa ang Philippine Madrigal Singers. Ang dinner ay 6:00 pm at 8:30 pm naman ang show.

Inusisa namin ang mahusay na singer kung ano ang dapat asahan sa kanilang concert ni Hajji?

Saad ni Dessa, “Asahan nila sa show ang hit songs ni tito Hajii. Me, I’ll be singing one of my winning pieces sa Voice of Asia.

“Our repertoire po will be for all ages. From the people na nabuhay nang 60s, 70s 80s 90s… even pang millennials ay mayroon din po,” wika ng singer na isa ring BeauteDerm ambassador.

“Ito po ay for the benefit of Philippine Cancer Society,” dagdag ni Dessa.

Ano ang masasabi niya kay Hajji bilang artist? “Si Tito Hajii is already a legend in the music industry, and very nice po. It’s great working with him dahil professional siya when it comes to our prods.”

May duet ba sila rito? “Yes, we have medleys and duets,” sambit ni Dessa.

Si Dessa ang isa sa kiniki­lalalang mahusay at veteran singer ng bansa, kahit na namalagi na siya sa US noon at may dalawang anak na ngayon, hindi niya naisip na iwan ang pagkanta.

“Noong first few months na nandoon ako sa States, mayroon akong mga show sa iba’t ibang States. So naka­karaket pa rin ako kahit paano, pero noong nasa Las Vegas ako, I finally joined a singing band. Simply because nami-miss ko ;yung pagkanta. Kumbaga, nagkaka… believe it or not, nagkakasakit ako kapag ‘di ako kumakanta. Nakakaloka, naoospital pa ako,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …