Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Castro, pinagsasabay ang showbiz at politika

MASAYA ang singer/actor na si Alex Castro dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na pagsabayin ang showbiz at politika. Si Alex ay kasalukuyang Board Member ng 4th District of Bulacan, siya rin ang mister ng former Sexbomb member na si Sunshine Garcia.

“Napapanood po ako sa The Haunted na magtatapos na… ang kasama ko po rito sina Jake Cuenca, Shaina Magdayao… iyon pong The Haunted ay isang horror, ang role ko po ay si Bernard, isang pulis na kapatid ni Shaina,” saad ni Alex.

Dagdag niya, “Nagpapasalamat ako sa ABS CBN dahil nabibigyan nila ako ng work, like minsan ay lumabas din ako sa Ipaglaban Mo. Masaya ako kung ano ang ibinibigay sa aking work ng network, kasi, mayroon pa naman akong ibang trabaho bilang public servant.”

Okay lang ba sa kanya na pinagsasabay ang showbiz at politika? “Opo, okay lang na pinagsasabay ko, kailangang kumita ng pera dahil walang pambili ng gatas, e, hahahaha!” pabirong wika niya.

Patuloy ni Alex “Hindi naman po ako nahihirapang pagsabayin ang showbiz at politika. Matagal ko na pong ginagawa, councilor pa lang po ako ng Marilao, ginagawa ko na iyon. So ngayon ay nama-manage ko na. Kasi noong first time ko talaga as public servant, huminto muna ako sa showbiz. Kaya, bale ngayon pa lang po ako bumabalik.”

Nasabi rin ni Alex kung gaano siya kasaya na maging Beautederm ambassador. “Happy, sobrang happy po. Simula pa naman po noong naging pamilya ko itong Beautederm, hindi lang ito as endorsement e, kundi nakakita ako ng mga bagong kaibigan, bagong pamilya. Hindi lang sa trabaho kundi totoo talagang mga kaibigan, kaya masaya ako rito.”

Ano’ng product ang madalas niyang gamitin? “Ang madalas kong gamitin iyong day cream. Kasi rati ang problema ko dry po ‘yung skin ko. So pagkatapos kong maligo, sobrang dry po ng skin ko. Nang ginagamit ko na ‘yung day cream, bukod sa may sunblock na ako, may moisturizer pa ako. And then ‘yung Ultralight na soap, kasi dati nang iba pa ‘yung ginagamit ko, kahit may libre akong facial sa mga sponsors, nagbe-break out pa rin ako ‘tsaka nagpapa-facial pa rin ako every once a month. So ngayon, simula noong nakilala ko ‘yung Beautederm, simula noong ginagamit ko ‘yung products nila, hindi na ako nagpa-facial, wala na akong ginagawa sa mukha ko kundi ginagamit lang ang Beautederm,” wika pa ni Alex.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …