Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde hiyang kay Maine Mendoza at sa BeauteDerm, ayon kay Sylvia Sanchez

MAS game nang pag-usapan ngayon ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez ang hinggil kina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa successful na grand opening ng Skinfrolic by Beautederm sa Ayala Malls Manila Bay na pag-aari ng husband and wife tandem nina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, isa si Arjo sa nag-perform at marami ang nagsa­bing mas nagiging guwapings ngayon ang binata ni Ms. Sylvia.

Kaya tinanong namin si Ms. Sylvia kung ang rason ba nito ay dahil hiyang si Arjo kay Maine Mendoza or dahil sa Beautederm?

Wika ni Ms. Sylvia, “Siyempre dahil kay Maine dahil masaya ang lovelife niya at natural, sa Beautederm! Alam naman natin kung gaano ka-effective ang Beautederm, subok na namin talaga iyan.”

Si Ms. Sylvia ang Face of Beautederm at bukod sa endorser din dito sina Arjo at Ria Atayde, may dalawa na siyang branch ng leading beauty products ng masipag na CEO nitong si Ms. Rhea Tan.

Ano ang reaction niya na lalong dumarami ang stores ng Beautederm at ang endorsers nito? “Sobrang happy, deserve talaga iyan ni Rei Rei (Rhea Tan). ‘Tsaka mas naging happy nitong pagpasok ng year 2020, naging isang buong pamilya na talaga kami at positive vibes lang lagi,” nakangiting saad ng aktres.

Hinggil sa ginagawa niyang movie ngayon, gumaganap siya ritong misis ng OFW na ginagam­panan ni former Sen Jinggoy Estrada. “Yes, another mother role, wife ni senator Jinggoy. Ang kaibahan nito, ‘yung twist sa dulo pero hindi ko puwedeng i-reveal ‘yun.

“Ngayon ko lang nagampanan ‘yung ganito, basta… Yes, mapagpasensiya pa rin. Ang nanay naman magpapasensiya hangga’t kaya, ‘di ba? Para sa mga anak, para sa asawa. Pero broken family sila, pinipilit kong maging buo iyong pamilya kasi bucket list ko ‘yun,” wika niya sa pelikulang tampok din sina Martin Del Rosario, EA Guzman, Shaira Diaz, Julian Estrada, Vin Abrenica, Jake Ejercito, Jana Agoncillo, Smokey Manaloto, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …